but give your HEART to only one.
Home » Archives » October 2009
Ang Totoo
October 28, 2009by Eireen Camille See Linang

Di ko alam kung paano simulan,
Di ko alam kung anong kahihinatnan,
Ng totoong itinatago ko noon pa,
Sasabihin ko na kaya o mamaya na?
Naku! Hayan na siya!
Ang puso ko’y puno ng saya.
Ngunit di ko alam kung anong gagawin,
Ano kayang kalalabasan nitong lihim na damdamin?
Paano kaya kung may mahal na siyang iba?
Nararapat pa bang sabihin ko sa kanya ang aking nadarama,
O kikimkimin ko na lang ito at itaga sa bato,
At hayaang mapansin ang tibok ng puso ko?
Ano ang mabuti kong gawin?
Hay… Nasayang na naman ang pagkakataon.
Sana hindi na lang tumatakbo ang oras sa t’wing kami’y magkasama,
Upang masabi ko na sa kanya ang aking nadarama.
SONNET 143
by: Linang, Manansala, Remandaban (IV- Platinum; SY 2008-2009)

Do we meant to have just one chance to meet
And then suddenly parted endlessly
Like the world is against us entirely
Like fate is tearing my heart bit by bit
I cannot stand anymore and deceit
Because I’m just killing myself softly
Alone. All by myself ultimately
And that’s the nightmare I try to defeat
As I wait to the slow time to drag on
A shadow snickers taking up your place
I thought maybe love is cruel for me
As I wait on a ray to break the dawn
In bareness I stand a gloomy disgrace
Can’t you see how poetic love can be?
Estrangherong Samaritano
by Eireen Camille See Linang
Hindi ko lubos akalain na sa unang pagkikita
Ako’y kanyang mabibihag sa kislap ng kanyang mga mata.
At lalo pang nagpaakit sa aking puso
Nang ang estranghero ay nagtila isang Samaritano.
Hindi ko lubos akala
Na paulit-ulit kong igugunita
Ang pagkakataong ako’y umibig sa isang estranghero
Na sadyang napakabihira na ngayon sa mundo.
Hindi ko lubos maisip
Kung bakit ikaw ang lagi kong iniisip
Na maging sa aking pag-iglip
Ikaw pa rin ang siyang napapanaginip.
Nagdaan ang mga araw
Ang puso ko’y nanatiling ligaw
Ngunit palagi pa rin akong umaasa
Na balang araw ako’t ang estranghero’y magkakakilala.



