but give your HEART to only one.
Home » Post Item » Ang Totoo
Ang Totoo
October 28, 2009by Eireen Camille See Linang

Di ko alam kung paano simulan,
Di ko alam kung anong kahihinatnan,
Ng totoong itinatago ko noon pa,
Sasabihin ko na kaya o mamaya na?
Naku! Hayan na siya!
Ang puso ko’y puno ng saya.
Ngunit di ko alam kung anong gagawin,
Ano kayang kalalabasan nitong lihim na damdamin?
Paano kaya kung may mahal na siyang iba?
Nararapat pa bang sabihin ko sa kanya ang aking nadarama,
O kikimkimin ko na lang ito at itaga sa bato,
At hayaang mapansin ang tibok ng puso ko?
Ano ang mabuti kong gawin?
Hay… Nasayang na naman ang pagkakataon.
Sana hindi na lang tumatakbo ang oras sa t’wing kami’y magkasama,
Upang masabi ko na sa kanya ang aking nadarama.
Previous Comments
nice…
Posted by paul Siddayao at June 20, 2010, 9:40 pmganda ne2…parang ako lng…hehe..pero ok to base on my experience ^_^..
Posted by dondon at June 25, 2010, 8:43 pm..ancute naman ho : )
Posted by mads at July 4, 2010, 7:28 pmnice .. i love it .. got a great poem .. is it a poem ? hehe .. I’m always on dilemma when it comes to poem and poetry .. sorry ?? BUT I REALLY LOVE THIS !! uber much ..
)



oh gOSH!.. ang galing mo pala sa poetry.. grabe nakaka relate ako sayo. To be honest I envy you sana marunong din ako gumawa ng tulad nyan =)
Posted by ChiChi at March 27, 2010, 11:18 pm